Before anything else, share ko muna sainyo yung pinaka huli kong binili sa Taytay Tiangge para lalo kayong ma excite. Napaka ganda ng swimsuit na nabili ko lang sa halagang 200php (brand new syempre at bagong tahi) 180php lang sya pag bulk. At bulk na sakanila ang 6pcs. Hehe.
![]() |
My sister in Boracay wearing the swimsuit that I bought in Taytay Tiangge |
Pinost ko sya sa Facebook at binenta ko ng 450. Kaso sa sobrang ganda, kapatid ko lang din ang bumili at ginamit nya sa Boracay. Gustong gusto nya din kasi yung mga nabibili ko dun kasi aside from maganda talaga eh super nice talaga ang quality.
Sabi nila, kung hindi mo alam ang Divisoria at Greenhills, hindi ka tunay na Pinoy. Sure akong kilalang kilala yan lalo na ng mga babaeng katulad ko na mahilig sa damit. Aaminin ko, napaka arte ko sa damit noon. Laking Bulacan kasi ako at tamad lumuwas para lang dun bumili. Ang nasa isip ko noon, “Naku, di naman matitibay mga damit dun. Pamasahe at pagod ko pa lang, ganun din yun.”
Nung tumira ako sa Manila, hindi pa din ako nahilig sa Divisoria. Ang dali naman kasi talaga masira ng mga damit dun. Tsaka madaming katulad yung mga damit. (Wow sa arte diba? Hehe) Pero may mga naging kaibigan ako na maganda daw talaga mamili dun at depende talaga daw sa taste mo. Madami daw talagang maganda. Nakapunta ako dun twice at di na ako bumalik. Nakakapagod! Napaka daming tao at nakakatakot ang snatcher! Hahaha.
Sa buhay ngayon, hindi na kasi talaga uso ang mag shopping ng mga damit sa mall. Pwera nalang talaga kung sobrang rich ka talaga at hindi mo problema ang pera. Meron akong kasama sa work dati, inaya nya ako sa Taytay. As in sobrang sarap daw mamili ng mga damit dun. Nakita nya kasi ako na mahilig sa dress at lagi daw kasi akong naka dress sa office.
Tutal wala naman akong ginagawa, sumama ako. Tatlo kaming nagpunta dun. At sa sobrang pagka amaze ko at sa sobrang aliw ko,talagang iniwan ko sila! Hahaha. Nag ikot ako mag isa at sobrang nag enjoy talaga ako.
Bibigyan ko kayo ng ilang dahilan kung bakit sobrang solid sa sarap bumili ng mga damit dun. At syempre, ipapakita ko sainyo yung mga nabili ko dun. Pati kayo matutuwa. :)
1. Alam nyo bang karamihan sa nagtitinda sa Divisoria ay sa Taytay Tiangge lang din bumibili? Yes, totoo yan.
2. Karamihan sa nagtitinda sa Taytay Tiangge ay sila mismo ang nagtatahi kaya talagang mura at maganda ang quality.
3. Pati yung mga nagtitinda sa Instagram, dun lang din bumibili.
4. Napaka daming unique styles ang nagkalat dun. Alam nila ang uso. Magugulat ka nalang sa sasabihin ng tindera, “Ate, ganyan yung bagong style ng Forever21 ngayon!”
5. Kung Instagram shopper ka, try mong pumunta sa Taytay Tiangge para makita mo na totoo ang sinasasabi ko.
6. Hindi nagkalat ang snatcher! Pwede kang maglabas ng cellphone. Haha! Pero syempre ingat pa din.
7. Maniwala ka man at sa hindi, ang dress na 350php sa Divisoria, 120-180php lang dun. 8.Isa ako sa sumubok magbenta ng mga damit online. Pwede nyo check yung account ko dati.. @p_fashionforless sa Instagram. Wag kayong mag alala at hindi ako nag popromote dahil matagal na yan. :) Para sa mga walang IG, ito yung iba sa mga nabili ko dun.
![]() |
I bought this dress for 150php only |
![]() |
My lovely sister :) |
Ito naman yung iba. Like yung pink boho, less than 1 hundred ko yan nabili. Sa Eastwood, Divi or Greenhills, 200+ pa yata yan. Syempre meron din ako aside sa binenta ko dati. Lol
![]() |
I bought this for 80php only and sold it for 180php. Please don't kill me! Lol |
![]() |
Syempre meron din ako :) |
Remember ha, yang mga mga presyo na nakikita nyo jan sa photos eh malaki na ang patong kasi tininda ko yan dati. So isipin nyo nalang kung gano kamura dun. :) Ang saya diba?
Sa mga tamad mag google, syempre lulubos lubusin ko na kayo tulungan. Hehehe.
From Ortigas, just take G-Liner Bus na may "SM Taytay" signage. Dadaan na sila sa Club Manila East. Makikita nyo ang Jollibee at Mcdo, hindi nyo pwedeng hindi mapansin ang Taytay Tiangge kasi colorful sya. Basta nasa labas lang sya ng CME :)
Sa mga ayaw mag bus, pwede kayo mag jeep. From Ortigas Junction, may mgs jeep dun na "Taytay Palengke" ang signage. Kung manggagaling din kayo sa Sta. Lucia East Mall, ganun din ang pwede nyong sakyan.
P.S. Hindi na kayo mahihirapan maghanap ng pang regalo sa Christmas. Napaka dami dun na less than 100. Meron pa ngang 35php at 50php na blouse. Too good to be true diba? And I can feel na sobrang excited ka. :) Happy shopping! :)
Nah - what you wrote isnt true. Please write with correct info.
ReplyDeleteWe are both suki ng dalawang area na to. Both has good side and defects on the the side. Sa Taytay lang lahat maganda? sa Taytay lang lahat mura. Di ito totoo. Magsulat ka ng tama.
ReplyDelete